Isang taon
Dear lolo sing,
Isang taon na ang nakalipas simula nang mawala ka lolosing. Kung alam mo lang kung gaano ko na kayo namimiss ni lola! Sadyang kay bilis ng buhay.. Di ko inakala na ganun.
Kung nasaan ka man ngayon, alam ko nagmamasid kayo ni lola dito samin. Pero kahit wag niyo na kami masyado bantayan. Solb na ko sa dedication niyong maging mabuting lolo’t lola samin habang kapiling pa namin kayo dito.. Magpahinga lang kayo at magenjoy dyan!
2 years ago, nung iniwan tayo ni lola, iniisip ko kung paano ko papawiin yung mga luha sa mata. Alam ko kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa.. Kapag nasa ospital si lola, kahit hirap ka na maglakad, nagpupumilit kang pumunta sa ospital. Kung hindi ka namin papayagan na sumama kasi baka may makuha ka pang sakit, naluluha kang tatambay sa hagdan tapos sasabihin mo sakin, “Mari, di pa ba uuwi lola mo ? Puntahan mo siya don,alagaan mo..” Buhay na buhay pa sa memorya ko kung paano mo yun sinabi.
Nung iniwan na tayo ni lola, ayaw pa namin sabihin sayo nung una pero diniretso ka ni Moy. Umiyak ka nalang ng sobra! Liban sa pagkawala ni lola, lalo akong naiyak kasi helpless kami sa nararamdaman mo.
Namimiss ko na yung paguusap natin tungkol kay lola. Kung gaano siya kabuting asawa sayo, at lola sa amin. Miss ko na kayo parehas.
Hindi ko parin matapon yung mga lumang regalo niyo samin. Miss ko yung luto mo. Miss ko yung baliwbaliw mong tawa. Yun talaga yun :(
Kanina nag hold ng prayers sayo. Typical na Filipino, may biko at pancit para sa mga sumama.
Isang taon na lo! Isang taon na rin tapos ang iniinda mong sakit para samin, pra samin lalo na ni, kang at mari!
Kung nasaan ka man ngayon, malamang humahalakhak ka dahil sa drama ko! Wag kang bully please! We love you so much! Regards kay lola please, miss ko na yung tinola niya!
Hanggang sa muling pagtagay Lolo Sing!
-Mari
