you’re the best lolo in the whole whole world. i know na ngayon kasama mo na si Ling na sumusubaybay sa amin. love ka namin palagi!<3
lagi akong mapapangiti sa tuwing maalala ko yung tawa at bungisngis mo sa tuwing mantitrip ka.
lagi kitang iisipin na laging nakatanaw lang samin sa may hagdanan.
lagi kong iisipin na kahit malungkot na wala kana din, dapat maging masaya parin dahil magkasama na kayo ni lola!
lagi kong maalala kung pano namin tinatago ni lola lahat ng tanduay lapad mo!
palagi akong iinom ng kape sa hapon.
at syempre kahit iniwan mo na kami, lagi kang mananatili sa aming mga puso.
mamimiss ko yung puto,bananaque,merienda at pangkukulit mo.
mamimiss ko yung pangugulo mo sa mga gamit kasi bored ka!
mamimiss ko yung padyak mo sa kama mo pag gusto mo magpapansin.
mamimiss ko yung mga kwento mong paulit ulit ulit ulit.
mamimiss ko yung english mo pag lasing ka.”damn it!”
itatago ko lahat ng ternong damit na regalo niyo saamin ni aika tuwing sweldo mo sa pension.
itatago ko yung memories sa mga laruan ni binigay mo.
kahit kelan talaga hindi kayo mapaghiwalay ng matagal ni lola.
you’re love story will always be the greatest love story!
lagi kitang magiging inspirasyon sa lahat ng pangarap ko sa buhay!
tutuparin ko padin yung promise ko sainyo nung bulol pa akong nangangarap.
i know that in the right time(not soon!), we will see each other again, tapos ikukwento ko sainyo ni lola lahat ng kalokohan ko dito sa lupa!
NAMIMISS KO NA AGAD KAYO NI LOLA!
FOR NOW, GOODNIGHT MUNA! I LOVE YOU!
AT SALAMAT. MARAMING MARAMING SALAMAT LOLOSING!